Sharon Cuneta, itinangging may kaugnayan sa umano’y cash deliveries; nagbabala rin si Sen. Kiko Pangilinan

Mariing itinanggi ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakadawit nila ng kanyang asawang si Senador Kiko Pangilinan sa mga alegasyong inilabas ng mga umano’y dating bodyguard ni dating kongresista Zaldy Co.

Ito ay matapos magpakita ang mga nag-aakusa ng larawan nina Cuneta at Pangilinan kasama ang ilang umano’y empleyado ni Co sa isang press conference kaugnay ng sinasabing cash deliveries na may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon sa flood control projects.

Sa isang social media post, tinawag ni Cuneta na mga “sinungaling” ang mga naglabas ng larawan at ipinaliwanag na kuha ito noong bumisita ang kanilang pamilya sa Marawi upang pasalamatan ang mga lokal na opisyal at residente sa pagsuporta kay Pangilinan noong nakaraang halalan.

Samantala, nagbabala naman si Pangilinan na pananagutin niya ang mga nasa likod ng pagpapakita ng naturang larawan dahil sa umano’y paninirang-puri laban sa kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa senador, walang batayan ang mga paratang at posibleng bahagi lamang ito ng pagtatangkang sirain ang kanyang pangalan kaugnay ng kanyang naiulat na pagtatalaga bilang tagapangulo ng Senate Blue Ribbon subcommittee na nagsisiyasat sa isyu ng flood control projects.