Makakaapekto ang shear line o tail-end of a frontal system sa northern Luzon, habang apektado naman ang Mindanao ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Ayon sa state weather bureau, ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay makakaranas ng maulap na kalangian na may kasamang kalat-kalat na ulan at thunderstorms dahil sa shear line.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms din ang iiral sa Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Southern Leyte, Bohol, Siquijor, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi dahil sa ITCZ habang sa Ilocos Region ay apektado ng Northeast Monsoon.

Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.