Inamin ni Shiela Guo na hindi niya kapatid si dating Bamban Mayor Alice Guo.

Sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Shiela na sa katunayan ay hindi sila magkaano-ano ni Alice.

Sinabi niya na siuya ay Chinese citizen na pumunta sa Pilipinas noong siya ay 16 o 17 para magtrabaho sa isang embroidery business sa utos umano ng kanyang kinikilala na ama.

Ayon sa kanya, si Jian Zhong Guo, ang ama ni Alice, ay ang kanyang foster father sa Pilipinas.

Idinagdag pa niya na ipinanganak siya sa China at kasalukuyang nakatira doon ang kanyang ina.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na pagdating niya sa bansa, sinabihan siya na kapatid niya si Alice at ito ang kanyang pinanindigan.

Ayon pa kay Shiela, lahat ng kanyang Philippine documents, kabilang ang kanyang birth certificate at passport ay ibinigay sa kanya ng kanyang kinikilalang ama.

Una rito, sinabi ng National Bureau of Investigation na si Shiela ay isang Chinese national na may pangalang Zhang Mier base sa kanyang Chinese passport.