Nagbabala ang Senado na dadalhin sa Bilibid si Shiela Guo kung patuloy siya n hindi magsalita at magbigay ng detalye sa kung paano siya nakalabas ng bansa kasama sina Alice at Wesley Guo.

Sa ngayon, nananatili sa detention facility ng Senado si Shiela hangga’t wala umanong ‘consistency’ at mga detalye sa kanyang mga testimonya.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, kung titignan, blangko at walang detalye ang salaysay ni Shiela sa kanilang pagtakas palabas ng bansa.

Una na ring binalaan ng Kamara si Cassandra Ong, ang kasamang nahuli ni Shiela sa Indonesia na ipapakulong siya sa Bilibid kung patuloy siya mananahimik.

Aminado naman si Gatchalian na mas komportable ang mga nadiditine sa Senado kumpara sa ibang kulungan dahil isa lang naman itong pansamantalang detention facility.

-- ADVERTISEMENT --