Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na makakaapekto sa integridad ng democratic process at magdudulot ng takot sa mga mamamayan, na posibleng magbunsod ng kanilang hindi paglahok sa 2025 midterm elections ang pinakahuling shooting incidents sa lalawigan ng Abra.
Nagpahayag ng pagkaalarma at pagkabahala ang CHR sa pamamaril kay Pidigan, Abra Vice Mayor Noel Bisares.
Nakaligtas naman ang nasabing lokal na opisyal sa nasabing pamamaril noong September sa loob ng construction supply store.
Tinukoy din ng CHR ang dalawa pang pamamaril kay dating Dolores Sangguniang Bayan member Gregorio Castillo noong Sept. 1 at kay dating
BaƱacao Barangay Chairman Marcelo Banayos noong August 29.
Kapwa nakaligtas ang mga ito sa nasabing pamamaril.
Ayon sa CHR, kung mananatili na hindi mareresolba ang mga nasabing krimen, magreresulta ito ng culture of impunity sa probinsiya, mawawala ang tiwala sa justice system at public institutions.
Kaugnay nito, nanawagan ang CHR sa pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na security measures upang mabantayan ang mga komunidad at matiyak na ligtas ang Abra para sa mga payapang halalan sa susunod na taon.