Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa pitong lugar sa bansa bunsod ng Tropical Depression Wilma.

Kabilang sa mga lugar na itinaas ang Signal No. 1 ang mga sumusunod:

Visayas

Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Mindanao

Huling namataan si Wilma sa 625 kilometers silangan ng Catarman, Northern Samar na may lakas ng hangin na 45km per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 55 kph.

-- ADVERTISEMENT --

Kumikilos ang tropical depression pa-kanluran timog kanlunran sa bilis na 20 kph.

Ayon sa PAGASA, sa forecast track, ang sentro ni Wilma ay magla-landfall sa Eastern Visayas o Dinagat Islands sa pagitan ng December 5 ng gabi o Sabado ng umaga.

Inaasahan na lalakas si Wilma bago ang landfall subalit posibleng mananatili itong tropical depression sa panahon ng forecast period.

Sa weather advisory, si Wilma at shearline ang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw hanggang bukas ng hapon.