Isa nang ganap na bagyo kaninang umaga ang binabantayan na low pressure area na binigyan ng pangalan na “Paolo.”

Ang sentro ng tropical depression Paolo ay namataan sa 760 km ng silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 55 km/h.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Sa kabila nito, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signals.

-- ADVERTISEMENT --

Tinataya na makakaapekto sa weather condition ng bansa ang nasabing bagyo sa susunod na 24 oras.

Posible ang mga pag-ulan bukas at sa mga susunod na araw na dala ni bagyong Paolo.

Posibleng itataas ang Wind Signal No. 1 sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong hapon o mamamayang gabi.

Ang pinamataas na Wind Signal ay No. 3.

Subalit dahil sa posibilidad na ito ay maging typhoon category bago mag-landfall, hindi inaalis na ipairal ang Wind Signal No. 4.

May potensiyal na panganib ng mga pagbaha sa mga lugar na malapit sa mga baybayin dahil sa storm surge sa mabababang lugar sa coastal areas ng Northern at Central Luzon dahil sa pagdaan ni Paolo.

Maaaring maglabas ng storm surge warning ngayong araw na ito o bukas.

Tinatayang kikilos si Paolo pa-kanluran hilagang kanluran sa panahon ng forecast period.

Posibleng mag-landfall si Paolo sa Isabela o Northern Aurora sa umaga o hapon ng Biyernes.

Lalo pang lalakas si Paolo habang ito ay nasa Philippine Sea at posibleng maging severe tropical storm category Biyernes ng umaga.

Hindi rin inaali na lumakas pa ito bago ang landfall.