Nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang kinahaharap na kaso si dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Remulla na walang nilabag si Torre na batas at wala syang criminal at administrative case.

Nilinaw nya rin na walang bahid pulitika ang pag-alis sa pwesto kay Torre.

Ayon pa kay Remulla, alam ni Torre ang pag-alis sa kanya sa pwesto dahil 5 beses nya itong tinawagan kagabi at nag-acknowledge naman si Torre.

Samantala, sinabi ni Remulla na kinokonsidera umano ng Pangulo na bigyan ng ibang pwesto sa pamahalaan si Torre.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, may opsyon si Torre ng early retirement.

Maaalalang sa kamakailang ipinatupad na balasahan ni Torre, inilagay niya bilang Commander ng PNP Area Police Command sa Western Mindanao si PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Mula ito sa pagiging number 2 man o Deputy Chief for Administration ng PNP.

Ngayong tanghali, opisyal na itong nag-assume bilang officer-in-charge PNP Chief.

Si Nartatez, na tubong-Santa, Ilocos Sur ay miyembro ng Philippine Military Academy “Tanglaw-Diwa” Class of 1992.

Bago maitalaga sa pinakamataas na posisyon sa PNP, nagsilbi siyang Deputy Chief for Administration ng PNP, dating Director ng National Capital Region Police Office, Directorate for Intelligenceat Directorate for Comptrollership.

Pinamunuan din niya ang Police Regional Office 4-A at naging Director ng Finance Service sa PNP National Headquarters.

Sa mahabang karera sa serbisyo publiko, nagsimula rin siya bilang Senior Superintendent sa Ilocos Norte Provincial Police Office.

Simula June 2025, may natitira pang 1 taon at 9 na buwan si Nartatez bago ang kanyang nakatakdang pagreretiro sa Marso 2027.