Pinaalalahanan ni dating health secretary at House Deputy Majority Leader Janette Garin ang publiko na ang siling labuyo ay hindi gamut para sa dengue at binalaan ang publiko na huwag maniwala sa mga post sa social media na hindi base sa isang pag-aaral.
Ginawa ng Iloilo solon ang pahayag matapos kumalat sa ibat ibang online platform na ang siling labuyo ay kayang gamutin ang dengue na pinasinungalingan na ng Department of Health (DOH).
Sinabi ni Garin na posibleng marketing strategy ito para bumenta sa publiko.
Nilinaw din ni Rep. Garin na ang Tawa-tawa at virgin coconut oil ay hinde gamut para sa dengue, aniya mayruon lamang itong anti-viral properties na makakatulong sa isang dengue patient.
Binigyang-diin din ni Garin na dapat maging mapanuri ang publiko Lalo na sa mga online post.
Sinabi ni Garin na walang gamut ang dengue dahil isa itong self-limiting illness ibig sabihin kusa siyang mawawala sa loob ng isa hanggang dalawang linggo at kritikal ang unang linggo nito.
Pinuyan ng mambabatas ang publiko na uminom ng maraming tubig kapag mayruong lagnat Lalo na kung mayruong sintomas ng dengue dapat manatiling hydrated at agad magtungo sa doctor at magpakunsulta kapag lumala ang sintomas.