TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang simbahang katolika sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na magkaroon ng public consultation tungkol sa ginagawang dredging umano sa Cagayan River sa Aparri,Cagayan.

Binigyan diin ni Fr. Manny Catral,parish priest ng St.Peter Thelmo Parish na kailangan na maging transparent sa nasabing proyekto upang malaman at maintindihan din ng mga mamamaan ng Aparri lalo na ang mga direktang maaapektuhan ng umano’y dredging lalo na ang kanilang kabuhayan.

Nilinaw ni Fr. Catral na hindi sila tutol sa development ngunit kailangan na ipaunawa ang nasabing proyekto.

tinig ni Fr.Catral

Una rito,gumawa ng pastoral letter si Archbishop Sergio Utleg ng Archdiocese ng Tuguegarao City na binasa sa lahat ng misa sa Aparri na umaapela na dapat na dapat na ang dredging ay sustainable at integral, kailangan na may permit,sumusunod sa mga requirement at magkaroon ng public consultation.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Catral inimbitahan sila ng mga opisyal ngh Aparri para sa isang dayalogo.

Subalit sinabi niya na maging ang mga opisyal ay hindi rin alam kung ano ang nangyayari sa sinasabing dredging dahil sa bagong upo pa lang sila sa pwesto.

Gayonman, sinabi ni Catral na nagkaroon naman ng legislative inquiry sa nasabing usapin.

Kasabay nito, sinabi ni Catral na sa ngayon ay nagsasagawa sila ng pag-aaral sa mga direktang maaapektuhan ng proyekto.

Naniniwala kasi ang simbahan na magkakaroon ng negatibong epekto ang sinasabing dredging sa ilog Cagayan.

Dahil dito,nanawagan siya sa mga kaukulang ahensiya at mga eksperto na magsagawa din ng pag-aaral sa nasabing proyekto.

muli si Fr.Catral