
Dumating na sa Maynila nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 14, si Singaporean Prime Minister Lawrence Wong at International Monetary Fund Managing Director Kristalina Georgieva upang dumalo sa ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong.
Sinalubong si Wong sa Ninoy Aquino International Airport ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, habang mainit ding tinanggap sa paliparan si Georgieva.
Pormal na magsisimula ngayong Linggo ang ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center sa Pasay City at magtatagal hanggang Nobyembre 18.
Inaasahang tatalakayin ng mga lider ng rehiyon ang mga mahahalagang usapin kabilang ang krisis sa Middle East, seguridad sa pagkain at mga krimeng tumatawid sa mga hangganan ng bansa.










