
Ayon sa pangulo, mahalagang mapag-aralang mabuti ang mga ito para matukoy kung ano ang puwedeng suspendihin o babaan ang singil.
Sa ganitong paraan aniya ay gagaan din ang gastos ng mamamayan.
Mahigpit ding ipinagbabawal ng pangulo ang paniningil ng anumang bayarin o kontribusyon sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, lalo na ngayong panahon ng graduation.
Giit ng pangulo, kailangang maprotektahan din ang kapakanan ng mga mag-aaral sa gitna ng banta ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.










