TUGUEGARAO CITY- Naglabas ng memorandum order si Vice Mayor Solferino Agra Jr. ng Claveria, Cagayan sa mga department heads na lahat ng mga transaksiyon sa munisipyo na may kinalaman sa opisina ng punong bayan ay dapat na dumaan sa kaniyang tanggapan bilang acting mayor.

Naging basehan ng bise alkalde sa kaniyang automatic assumption as acting mayor ang probisyon na

nakasaad sa section 46(A) ng Local Government Code of 1991 na kapag nasawi o naging incapacitated ang

mayor ng isang bayan o siyudad ang kanyang vice mayor ang papalit sa puwesto.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, kinontra ito ng kampo ni Mayor Celia Layus na naglabas din ng memorandum order na nag-aatas din sa mga department heads na balewalain ang inisyung memo no. 1-21 ni Vice Mayor Agra kung saan lahat ng transaksiyon may kinalaman sa opisina ng Local Chief Executive ay dadaan pa rin sa tanggapan ni Mayor Layus.

Nakasaad sa memorandum order ng mayor’s office na walang temporary vacancy sa tanggapan ng alkalde dahil sa nabigo si Vice Mayor Agra na patunayan sa korte na incapacitated o wala nang kakayahan ang alkalde na gampanan ang kaniyang tungkulin.

Sa unang pahayag na inilabas ng private secretary ni Mayor Layus na si Dr. Ponce Pulido, bagama’t

inamin nito na- stroke ang alkalde nitong nakalipas na taon, siniguro naman nito na ang

desisyon pa rin ng alkalde ang ipinatutupad sa bayan ng Claveria.