Hinalay umano ng dalawang batang lalaki ang anim na taong gulang na babae sa Mabalacat City, Pampanga.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalaro umano ang batang babae kasama ang kanyang nakababatang kapatid sa basketball court nang hilain umano siya ng 10 taong gulang na lalaki sa damuhan at sumunod sa kanila ang walong taong gulang na lalaki na kasama nito.
Sinabi ng batang babae na dito umano isinagawa ng dalawang batang lalaki ang umano’y panghahalay sa kanya.
Nang umuwi ang batang babae, nagsumbong siya sa kanyang ina at dumulog sila sa barangay bago ito idulog sa pulisya.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang dalawang batang lalaki.
Tumangging magbigay ng komento ang mga magulang ng dalawang batang lalaki.