Isiniwalat ni ACT Teachers Representative France Castro na nakakatanggap siya ng death threats at harrassment sa pamamagitan ng text messages at mga tawag kasunod ng plano ng Makabayan bloc na makipagpulong sa mga grupo na naghain ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Kinondena ni Castro ang nasabing mga banta, subalit iginiit niya na hindi siya titigil sa paghahanap ng katotohanan.
Isa umano sa mga natanggap na banta ni Castro ay mula sa isang unknown number.
Nakasaad sa text ang mga pagmumura at nagbalala sa kanyang pagbisita sa Davao City.
Ayon kay Castro, nakatanggap din siya ng harrassment calls mula sa dalawang unknown numbers.
Kaugnay nito, nanawagan si si dating ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang mga banta kay Castro.