Aabutin ng mahigit isang oras ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mamayang hapon.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na natapos na ni Pangulong Marcos ang rehearsing sa kanyang speech.

Naglabas ang PCO ng maiksing clip na nagpapakita ng pagsasanay ni Marcos para sa SONA.

Sinabi ng PCO na depende sa panahon mamayang hapon kung sasakay ang pangulo sa chopper sa pagpunta niya sa Batasang Pambansa.

Matatandaan na sa Kapihan sa Media sa Washington D.C. nitong nakalipas na linggo, tumanggi si Marcos na magbigay ng mga detalye tungkol sa kanyang SONA.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya ay iba ang SONA ngayong taon kumpara noong 2024.

Ayon sa kanya, ang pangunahing sasabihin niya ay tungkol sa social projects ng pamahalaan para sa mga mamamayan na nangangailangan.

Sinabi ni Marcos na tatalakayin niya ang mga programa na kanyang mga inisyatiba at pangako na itutuloy ang mga ito pagkatapos ng kanyang termino sa 2028.

Samantala, walang na-monitor na anomang banta sa seguridad ang mga awtoridad bago ang SONA.

Sa ngayon ay naka-full alert ang Philippine National Police, kung saan nasa 23,000 personnel ang naka-deploy para bantayan ang SONA ngayong raon, kabilang ang 16,000 mula sa PNP at 6,000 mula sa ibang ahensiya.