
Muling umani ng reaksiyon si Sen. Alan Peter Cayetano matapos niyang tawaging “tuta” ng Malacañang sina Senate President Pro Tempore Tito Sotto III at Sen. Raffy Tulfo, habang inilarawan naman niya si Sen. Erwin Tulfo bilang “tuta lang ni Lacson.”
“Kasi si Senator Tito Sotto and Senator Raffy Tulfo, at least sila tuta ng Malacañang. Pero si Erwin, tuta lang ni Lacson.”
Iginiit din niya na hindi umano Malacañang ang may impluwensiya kay Erwin Tulfo kundi si Sen. Ping Lacson.
“Hindi siya tuta ng Malacañang kasi may hawak sa kanya si Senator Lacson na (may) alam sa kanya.”
Kasunod nito, pinatutsadahan din ni Cayetano si Lacson.
-- ADVERTISEMENT --
“Hindi na po tuta si Senator Lacson. Aso na po siya.”




