Pinapayuhan ang mga Filipinos sa South Korea na magpatupad ng safety precautions dahil sa nararanasang summer heat wave.
Sinabi ng Philippine embassy sa Seoul sa kanilang advisory na makakatulong ang safety precautions para maiwasan ang health-related illnesses at exhaustion.
Paalala ng tanggapan na uminom ng maraming tubig, pumunta sa malamig na lugar kung makakaramdam ng hapo, pagkahilo o sakit ng ulo, at palagiang alamin ang mga balita tungkol sa heatwave warnings o updates upang matiyak ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.
Ayon sa ulat ng Korean Interior Ministry, apektado na ng heatwave sa buong bansa ang 1000 na mamamayan na may health-related illnesses.