Tinangka muli ng mga awtoridad sa South Korea na pasukin ang residensiya ng na-impeach na si Pangulong Yoon Suk Yeol kaninang madaling araw para sa pag-aresto sa kanya dahil sa alegasyon ng insurrection kaugnay sa kanyang martial law declaration noong December 3.

Nakipagtulakan ang mga awtoridad sa humaharang na mga taga-suporta ni Yoon na nagtipon-tipon sa labas ng kanyang villa, kung saan siya binabantayan ng kanyang personal security.

Iginigiit ng mga abogado, na ang tangkang pag-aresto kay Yoon ay iligal at ito ay may layunin na pahiyain siya sa publiko.

Matatandaan na nabigo ang mga awtoridad na arestuhin si Yoon noong Enero 3, kung saan nagkaroon ng anim na oras na stand-off sa mga supporters ng pangulo.

Kaugnay nito, sinimulan na ng Constituional Court ngayong linggo ang mga pagdinig kung pagtitibayin at tanggalin na sa kanyang puwesto si Yoon.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga pagdinig ay hiwalay sa isinagawang criminal investigation na isinasagawa ng anti-graft officers.