Kasalukuyan ang ikatlong yugto ng special assessment ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 sa National Household Targeting System for Poverty Reduct o Listahanan 3.

Sinabi ni Shiela Mamaril, information officer ng Listahanan ng ahensiya na sinimulan ang assessment noong May 27 ngayong taon.

Ayon sa kanya, target nila sa special assessment sa rehion ang 122 na pamilya upang maisapinal ang listahan ng mga 4Ps beneficiaries upang maisaayos na rin ang Listahanan 3 data base.

Sinabi niya na may benepisyaryo kasi na hindi makita sa Listahanan 3 at ito ang target nilang malaman kung ano ang mga dahilan.

Ayon sa kanya, maaaring ang ibang benepisyaryo ay sumakabilang buhay na at walang eligible beneficiaries na pumalit sa kanya, ang iba naman ay delisted dahil hindi sila sumusunod sa mga patakaran ng programa o maaaring ang iba ay lumipat na ng tirahan na hindi ipinaalam sa kanilang Municipal Social Welfare and Development.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, tiniyak ni Mamaril na ang mga nasa Listahanan 3 ay ang mga tunay na lubos na nangangailangan ng tulong hindi lamang sa mga programa ng DSWD kundi sa iba pang proghrama ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon sa kanya, nagsasagawa ang ahensiya ng validation sa mga benepisyaryo kung saan ay pinupuntahan mismo ang mga ito sa kanilang lugar upang malaman ang kanilang pamumuhay.

Sinabi niya na ito ay upang maiwasan na rin ang mga reklamo na may mga benepisyaryo na hindi kuwalipikado sa nasabing programa.