TUGUEGARAO CITY-Tumatanggap pa rin ang Social Security System (SSS)ng applikasyon para sa Calamity Loans AssistanceProgram (CLAP)para sa mga miembro nito na naapektuhan ng covid-19 pandemic hanggang sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa SSS, ang mga miembro ay maaaring umutang ng hanggang P20,000 kung saan babayaran ito ng dalawang taon at may interest na 6 percent kada taon.
Ang isang borrower ay kailangang nakabayad ng contribution na hindi bababa sa tatlong taon, active member at walang existing calamity loan.
Ihuhulog naman ng ahensiya sa account ng borrower kung maaaprubahan ang kanyang applikasyon at magsisimulang magbayad sa ika-apat na buwan mula nang marelease ang kanyang loan o utang.
Nilinaw naman ng ahensiya na walang interest na ikakaltas o ipapataw kung sakali na mairelease ang loan maliban lang sa 1 percent na service fee.
Kaugnay nito, pinayuhan ng SSS ang mga interesadong borrowers na maghain ng aplikasyon online sa www.sss.gov.ph.
Nag-alok ng calamity loan assistance program ang SSS bilang tugon sa state of clamity na idineklara ni pangulong Rodrigo Duterte dahil sa Covid-19.