TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang bayan ng Sta ana, Cagayan na hindi magdudulot ng pinsala ang binabantayang Bagyong Siony na nagbabanta sa Northern tip ng hilagang Luzon.

Ayon kay Mayor Nelson Robinion ng Sta. Ana, mataas ang sikat ng araw sa nasabing bayan kahit na nasa ilalim ito ng signal number 1 dahil sa bagyo.

Gayonman, inihayag ni Mayor Robinion na dalawang beses ng nagpulong ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) kung saan tinalakay ang kahandaan sa pagresponde sa posibleng maging epekto ng sama ng panahon.

Inalerto aniya ang mga barangay officials lalo na sa mga lugar na madalas ang pagguho ng lupa at pagbaha.

Dagdag pa ng alkalde na nakabantay ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda na bawal munang pumalaot habang nakataas ang gale warning dahil sa maaalon ang karagatan.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Mayor Nelson Robinion

Namigay din umano ng face mask at face shield ang Office of the Civil Defense (OCD) Region 2 na ipapamahagi kung may mga ililikas sa evacuation center.

Sa lalawigan ng Batanes na nasa signal number 2, nagtulung-tulong ang mga mamamayan na itali ang mga istruktura na gawa sa light materials.

Sa pagtaya ng pag-asa, tinatayang tatama ang mata ng bagyo sa kalupaan ng Babuyan at Batanes island, bukas ng umaga. with reports from Bombo Marvin Cangcang