TUGUEGARAO CITY-Nagdeklara na ng State of Calamity ang bayan ng Allacapan, Cagayan dahil sa pagbahang nararanasan na dulot ng walang tigil na pag-uulan sa probinsiya.
Ayon Mayor Harry florida ng Allacapan, lubog na sa baha ang malawak na parte ng kanyang nasasakupang lugar bukod pa sa sampung naitalang landslide sa lugar.
Kaugnay nito, sinabi ni Florida na nagpaabot na rin ng relief good ang kanyang tanggapan sa mga residente lalo na ang mga nasa evacuation center.
Dagdag pa niya na karamihan sa mga nagsilikas nitong araw ng miyerkules ay nagsiuwian na sakanilang mga tahanan matapos tumila ang ulang nararanasang.
Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na nanatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Allacapan.
Samantala,ipagpapatuloy ngayong araw, November 8,2019 ang rescue operation sa mga lugar na hindi pa napapasok ng kanilang mga rescue team dahil sa taas ng tubig.
Bukod dito, sinabi rin Florida na magsasagawa rin ng road clearing operation sa lugar na nakapagtala ng landslide.
Aniya, kasalukuyan na ring inaalam ng kanilang hanay ang kabuuang halaga ng mga napinsalang imprastraktura maging sa agrikultura dahil sa nasabing pagbaha.