Nananatiling sarado sa shipping traffic ang Strait of Hormuz habang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, matapos mabigo ang dalawang panig na makamit ang kasunduan para wakasan ang kanilang sigalot.

Bagama’t iginiit ni US President Donald Trump na bukas ang strategic waterway, ipinakita ng shipping data na iilan lamang ang mga barkong nakakatawid dito.

Samantala, sinabi ng Iran na hindi nito bubuksan ang Strait of Hormuz hangga’t hindi natutugunan ng Washington ang kanilang mga kondisyon.

Dahil dito, patuloy ang pangamba sa suplay ng langis at muling umakyat ang presyo ng crude oil, kung saan umabot sa mahigit $91 kada barrel ang Brent crude.