Pinabulaanan ni Sual Mayor Liseldo “Dong” Calugay na nagkaroon sila relasyon kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo o si Guo Hua Ping.

Sinabi ni Calugay sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado na magkaibigan lamang sila ni Guo.

Itinanggi rin niya na mayroon silang business partnership o bank account.

Idinagdag pa ni Calugay na kailanman ay wala silang plano ni Guo na magkaroon ng negosyo.

Sa nakalipas na pagdinig, itinanggi ni Guo na may relasyon sila ni Calugay ay sa hindi rin niya alam ang tunay na pangalan nito at kilala lamang niya ito sa pangalan na “Dong.”

-- ADVERTISEMENT --