
Pinaniniwalaang inatake ng mahigit sa 30 unggoy ang nasagip na Philippine Eagle sa Malaybalay City, Bukidnon noong July 3.
Matatandaang natagpuan ni Marvin Linoy ang ibon matapos siyang makarinig ng kakaibang tunog habang namimitas ng prutas.
Sa ulat, mababatid na nagtunog aso si Marvin para takutin at mapaalis ang mga unggoy.
Matapos niyang mataboy ang mga ito ay nakita niya na puno ng lupa at may mga bakas ng kagat ang katawan ng nasabing agila.
Samantala, agad naman itong ipinagkatiwala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
-- ADVERTISEMENT --










