
Ipinasakamay sa kapulisan ng isang concerned citizen ng Brgy. San Pascual sa Rizal, Kalinga ang isang barn owl (Tyto Alba).
Ayon sa PNP Rizal, ang nasabing wildlife ay natagpuang mahina at may sugat sa kaliwang pakpak kaya hindi makalipad.
Ipinasa naman ng PNP ang barn owl sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa wastong pangangalaga.
Pinaghihinalaang ang sugat ay dulot ng pagkakatama ng air gun sa nasabing lugar.










