Ipinagkibit-balikat lamang ng National Security Council (NSC) ang naging panawagan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na demilitarisasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ang naturang panawagan, ayon kay NSC Spokesperson Jonathan Malaya, ay mistulang pro-China at salungat sa national interest.
Naniniwala ang opisyal na ang tuluyang pag-lisan ng AFP sa mga marine feature na inuukupa nito ay mangangahulugan ng dereliction of duty at betrayal of public trust.
Sino aniya ang mananamantala sa mga iiwang bahura, kungdi ang China na dati nang nangangamkam sa lugar.
Nanindigan si Malaya na ginagawa lamang ng AFP ang kanilang tungkulin sa WPS, habang sinusunod din ang itinatakda ng batas at ang 2016 Arbitral Ruling.
-- ADVERTISEMENT --