Nasawi ang isang sundalo habang dalawa pa ang sugatan matapos ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army sa Sitio Salafay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro kahapon, March 29.

Sa ulat mula kay 2nd Infantry Division Public Information Office Chief Acting Chief Col. Michael Aquino, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga tauhan ng 68th Infantry Battalion nang makasagupa ang tinatayang 15 armadong rebelde.

Ang nasawing sundalo ay may ranggong 1st Lieutenant.

Tumagal ng halos 20 minuto ang palitan ng putok bago tumakas ang mga kalaban.

Sa pinangyarihan ng engkwentro, nakarekober ang mga tropa ng isang M16 rifle, granada at mga bahagi ng improvised explosive device.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pang napaulat na nasawi o nasagutan sa mga rebedele pero may 1 silang kasamahan na nahuli.