Inihayag ni Gilbert Cumilla, manager ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) na ang mataas na presyo ng kamatis ay dahil sa sunod-sunod na bagyo nitong huling quarter ng 2023.

Sinabi ni Cumilla, nagsimulang tumaas ang presyo ng kamatis noong Nobyembre at lalong tumaas na umabot sa 200 per kilo sa NVAT nitong buwan ng Disyembre hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa kanya, dahil sa mga bagyo, walang pumapasok na kamatis sa NVAT na mula sa ibang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, sinabi ni Cumilla na kapag dinala na ito sa ibang merkado ng mga traders ay aabot ang presyo nito ng hanggang 300 per kilo tulad dito sa cagayan na P250 hanggang P300 ang per kilo ng kamatis.

Samantala, sinabi ni Cumilla na bagamat bahagyang bumaba ang presyo ng siling labuyo sa P700 per kilo, mataas pa rin ito dahil ang dating presyuhan nito ay P70 hanggang 100 per kilo.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Cumilla na bumaba naman ang presyo ng Baguio vegetables sa NVAT.