
Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Sierra Madre sa Kalayaan, Laguna nitong Martes ng gabi, na agad namang nakontrol ng mga awtoridad.
Ayon kay SFO4 Jessus Andres Jr. ng Bureau of Fire Protection, naitala na under control ang sunog bandang alas-10 ng gabi.
Gayunman, nahihirapan pa rin ang mga bumbero na tuluyang maapula ang apoy dahil sa matarik at mabangin na bahagi ng bundok kung saan ito sumiklab.










