Sumiklab ang sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City kaninang tanghali, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Batay sa paunang ulat, sinabi ng BFP-NCR na nangyari ang sunog sa gusali ng Bureau of Research and Standards ng DPWH na matatagpuan sa National Irrigation Administration road sa Epifanio delos Santos Avenue sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Ayon sa BFP-NCR, ang una at ikalawang alarma ay itinaas kaninang 12:50 p.m. at 12:51 p.m., batay sa pagkakasunod.

Ang ikatlong alarma naman ay sa oras na 12:56 p.m., na ibig sabihin, kailangan na magpadala ang BFP ng nasa 12 fire trucks para tugunan ang tinatayang anim hanggang pitong residential o high-rise buildings na apektado ng sunog.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang BFP kaugnay sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --