
Maaring magtagal hanggang Pebrero ang “super-flu” na nakakaapekto ngayon sa maraming Pilipino, ayon kay to infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante.
Paliwanag ni Solante, ang “super-flu” o Subclade K ng Influenza A ay kapareho ng mga sintomas at itinatagal ng sakit ng iba pang mga variant ng trangkaso na nagtatagal ng mahigit sa 10 araw o 2 linggo, lalo na sa mga patuloy na nagtatrabaho.
Sa datos ng World Health Organization (WHO) ang Subclade K ay natukoy na nakaapekto sa 34 bansa kabilang ang Pilipinas, sa loob ng 6 na buwan.
May kabuuang 283 ang kaso ng Influenza A sa bansa mula Enero hanggang Oktubre 2025, isang kabuuang 283 kaso ng Influenza A. Natukoy sa genetic sequence ang mahigit 50 A(H3N2), kung saan pito sa bawat 10 sample ng A(H3N2) ang inuri bilang Subclade K.
Kung ikukumpara sa naunang strain ng A(H3N2), ang Subclade K ay may siyam na mutasyon. Bagama’t hindi pangkaraniwan ang mga viral mutations, sinabi ni Solante na ang mga pagbabagong ito ay maaaring makaimpluwensya sa kung gaano kabisa ang paggana ng mga bakuna.
Ani Solante, maraming admission sa ospital ng Subclade K sa maraming bansa dahil sa mas nakakahawa lalo na sa mga hindi nabakunahan, habang ang mga umiiral na bakuna ay nananatiling epektibo.
Payo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mainam na magpabakuna ang mga bata at mga seniors lalo na sa mga may planong maglakbay sa temperate countries.










