
Masasaksihan ang supermoon at multiple meteor showers sa susunod na buwan.
Mangyayari ang supermoon sa November 5, at ang peak ng Southern Taurid, Northern Taurid, at Leonid meteor showers ay masasaksihan lahat ngayong buwan.
Full Beaver Supermoon: Mangyayari ang full moon sa November 5, at ito ang pinakamalapit at pinamaliwanag na full supermoon ngayong 2025, kung saan ito ay magpapakita ng hanggang 14 percent na mas malaki at 30 percent na mas maliwanag kumpara sa karaniwan na full moon.
Southern Taurid Meteor Shower Peak: Ang shower peaks ay sa gabi ng November 4 hanggang November 5.
Bagamat magiging factor ang supermoon, inaasahan na magkakaroon ng “fireball swarm” ngayong taon para sa Taurids, ibig sabihin, posible pa ring masaksihan ang maliliwanag na meteor showers.
Northern Taurid Meteor Shower Peak: Ang peak nito ay sa gabi ng November 11 hanggang 12, habang ang peak naman ng Leonids ay sa gabi ng November 16 hanggang sa madaling araw ng November 17.
 
		 
			









