Patuloy na lumalakas ang Supertyphoon Julian at bagaman nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), malaki ang posibilidad na muling pumasok sa nasabing zone bukas.
Huli itong namataan sa layong 245km west ng Itbayat batanes. Ito ay may dalang lakas ng hangin na 195km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot hanggang 240km/h. Ito’y mabagal na kumikilos patungong northwestward.
Nakataas parin ang tropical signal number 2 sa Batanes, Babuyan Island, Ilocos Norte, Northern portion ng Ilocos norte, Northwestern portion ng Mainland Cagayan.
Signal number 1 naman sa rest of Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Northern portion ng Aurora, at northern portion ng Nueva Ecija.
Inaasahang magkakaroon ng recurvature ang bagyo patungo sa dagat sa kanlurang bahagi ng Taiwan hanggang bukas ng umaga at tatama ito sa baybayin ng timog-kanlurang Taiwan bukas ng umaga o hapon.
Maaaring pansamantalang lumakas ang super typhoon sa susunod na 18 oras bago bahagyang humina dulot ng interaksyon sa terrain ng Taiwan habang inaasahang magiging severe tropical storm ito pagsapit ng Huwebes.