Hindi pa man nakakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tino, isa na namang bagyo na posibleng maging supertyphoon sa sandaling pumasok na ito sa PAR ngayong weekend.

Ayon sa state weather bureau, ang tropical depression, na may taglay na lakas ng hangin na 55 km/h at pagbugso na hanggang 70 km/h, ay tinatayang papasok sa PAR Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Huli itong namataan sa 1,985 km east ng northeastern Mindanao sa Philippine Sea, at kumikilos ito ng 20 km/h pakanluran bago ito magbabago ng direksyon sa west northwestward papasok ng PAR.

Ayon sa PAGASA, tinatayang lalo pa itong lumakas habang ito ay nasa Philippine Sea at posibleng maging typhoon category bukas at maging supertyphoon sa weekend.

Posibleng mag-landfall ito na isang supertyphoon sa kalupaan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit hindi pa tiyak ang eksaktong location ito mag-landafll.

Wala pang direktang epekto sa bansa ang tropical depression, subalit ibinabala sa publiko na asahan ang masungit na kundisyon sa mga karagatan sa northern at eastern seaboards simula sa araw ng Sabado.

Samantala, pitong beses na nag-landfall ang bagyong Tino sa loob ng 36 oras, kung saan ang pinakahuli ay kaninang madaling araw sa Batas Island, Palawan, kung saan ang ilang lugar ay nakataas ang Storm Cyclone Wind Signal No. 4.

Napanatili ni Tino ang dala nitong malakas na hangin, kaya nananatili ito na isang malakas na bagyo.