Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may sapat na suplay ng krudo ang bansa hanggang Hunyo 30, 2026.

Sinabi pa ng pangulo sa sideline ng pagbubukas ng NAIA Expressway Phase II, na patuloy ang paghahanap ng pamahalaan ng supply ng langis.

Ipinaliwanag din niya na magkaiba ang presyo kapag direktang nag-aangkat ng krudo kumpara sa inaangkat na refined fuel, kung saan mas mahal ito.

Ayon sa kanya, iba ang presyuhan ng krudo mismo na pumapasok sa bansa kaysa sa diesel, dahil kapag krudo ang inangkat, dito sa bansa isasagawa ang pag-refine.