Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na makilahok sa Earth Hour bilang bahagi ng panawagan para sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang simpleng hakbang tulad ng pagpatay ng ilaw at pagtitipid sa enerhiya upang makatulong sa pagbawas ng epekto ng climate change.

Hinikayat din niya ang publiko na limitahan ang paggamit ng fuel at maging mas responsable sa konsumo ng enerhiya hindi lamang tuwing Earth Hour kundi sa araw-araw na pamumuhay.

Binigyang-diin ni Marcos na ang kolektibong aksyon ng bawat mamamayan ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan at sa pagharap sa mga hamon ng climate crisis.

Ang Earth Hour ay isang taunang global movement kung saan sabay-sabay na pinapatay ang mga ilaw sa loob ng isang oras bilang simbolo ng pakikiisa sa pangangalaga sa planeta.

-- ADVERTISEMENT --