Tuguegarao City- Nasa stable na kondisyon ang presyo at supply ng mga basic and prime commodities dito sa lambak ng Cagayan.
Ito ay batay sa pagtaya ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 sa gitna ng epekto ng bagyong Rolly.
Ayon kay Linda Tan, Chief ng Consumer Protection, nagsagawa na ang kanilang tanggapan ng pre monitoring kung saan napag alaman na sapat ang supply at walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi niya na hindi nagkaroon ng panic buying sa mga pamilihan ngunit nakapagtala nama ng biglaang pagtaas sa demand ng kandila sa bahagi ng Quirino.
Ito ay dahil na rin sa paghahanda ng publiko sakaling mawala ang supply ng kuryente.
Sa kanilang monitoring ay wala ding mga naiulat na nasirang business establishment kung kayat tuloy tuloy ang operasyon ng mga negosyante.
Tiniyak nito na walang dapat ikabahala ang publiko sa ng supply ng mga pangunahing bilihin dahil aabot pa ito ng hanggang apat na linggo lalo na at binabantayan pa ang pagkilos ng bagyong Siony.
Samantala, inihayag pa nito na nakaranas naman ng pagbaba ng kita ang mga negosyante dahil sa limitadong galaw ng publiko dahil sa pag-iingat sa bagyo at sa pandemyang dulot ng COVID-19.