Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Surigao del Sur kaninang 6:23 a.m.
Naramdaman din ang pagyanig sa Cagayan de Oro at Iligan cities sa northern Mindanao.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim na 10 km ang lindol at naitala ang intensity V sa Hinatuan, Surigao Del Sur.
Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala ang lindol bagamat nagbabala na posibleng magkaroon ng aftershocks.