Patay ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa matapos na magbaril ng sarili nang isilbi ang kanyang arrest warrant sa Lipa City, Batangas, kahapon ng umaga.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang suspek na si Jake Mendoza, alyas Orly, 40 anyos, at residente ng bayan ng Baco, Lalawigan ng Oriental Mindoro.
Sinabi ni Nartatez nasa halip na sumuko si Mendoza ay hinostage niya ang kanyang live-in partner at kanilang anak.
Ayon sa kanya, nagkaroon ng negosasyon, kung saan tinawag ang punong barangay at mga kamag-anak ni Mendoza na nagresulta sa pagpapakawala nila sa mag-ina.
Subalit, matapos ang ilang sandali ay pumasok si Mendoza sa isang palikuran at binaril ang kanyang sarili sa harap ng mga negosyador.
Matatandaang noong Mayo ng taong kasakukuyan, hinatulan ng 16 na taong pagkakabilanggo ng Las Piñas City Regional Trial Court si Joel Escorial, ang self-confessed gunman ni Lapid.
Si Percy Lapid, o Percy Carag Mabasa, ay binaril at napatay habang nagmamaneho pauwi sa kaniyang tahanan sa Lungsod ng Las Piñas, Metro Manila, bandang alas-8:30 ng umaga noong Oktubre 3, 2022.