Cagayan Valley medical Center

TUGUEGARAO CITY-Namatay habang ibinabiyahe ang isang suspect case ng Coronavirus disease (Covid-19) papunta sa Cagayan valley medical Center mula sa bayan ng Ballesteros.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center Chief ng CVMC, gabi ng Lunes nang makaranas ng paninikip sa dibdib ubo at hirap sa paghinga ang 54-anyos na lalaki mula sa Barangay Mabuttal kung saan inirefer sa CVMC.

Bago nakarating sa lungsod ng Tuguegarao, tumawag ang nurse na kasama ng pasyente sa pagamutan at ipinaabot na wala ng vital sign o hindi na humihinga ang pasyente.

Agad namang inasikaso ng mga duktor sa CVMc ang pasyente ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Kaagad ding inilibing ang pasyente bilang pagtalima sa protocol na kailangang ilibing ang mga namamatay na covid-19 patient sa loob ng 12 oras.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hinihintay na ang resulta ng swab test ng pasyente para malaman kung siya ay positibo o negatibo sa virus.

Tinig ni Dr.Glenn Mathew Baggao

Samantala, negatibo na sa pangalawang swab test ang covid-19 patient na mula sa bayan ng Solana.

Ngunit, hindi pa siya makakauwi maging ang kanyang misis na isang suspected case na kalaunan ay negatibo rin ang resulta ng swab test dahil parehas silang nakakaranas sila ng sore throat.

Sa ngayon, walong confirmed cases ang kasalukuyang minomonitor ng CVMC kung saan tig-tatlo mula Ilagan City, at Aurora sa probinsiya ng Isabela at tig-isa naman sa Tabuk City, Kalinga at Cagayan partikular sa bayan ng Sta Ana habang 15 ang suspected cases .