Hinuli ang isang pinaghihinalaang Filipino jihadist sa Queens sa New York matapos syang sitahin sa traffic stop malapit sa LaGuardia International Airport at nadiskubre ang mga armas sa kanyang sasakyan.

Sinabi Queens District Attorney Melinda Katz, binasahan ng sakdal si Judd Sanson, 27 years olds sa kasong criminal possession of weapon.

Pinatigil ng mga pulis ang sasakyan ni Sanson sa Ditmars Boulevard sa East Elmhurst matapos na makita na natakpan ang license plate ng kanyang itim na Black Explorer.

Nakita umano ng mga pulis ang mga armas sa kanyang sasakyan kabilang ang may bala na 9mm semiautomatic pistol, mga bala, stun gun, mga patalim, whip, body armor, NYPD uniform items at isang baton na may mga sulat.

Humarap kay Judge Edwin Novello si Sanson sa Queens Criminal Court.

-- ADVERTISEMENT --