
Sumuko na sa pulisya ang suspek sa likod ng bangkay na natagpuan sa isang storage box na ibinyahe sa Camarines Norte mula Laguna at itinapon sa ilog sa Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte, noong Enero 2, 2026.
Mula sa Rosario, Batangas, dinala sa Cabuyao City Police Station ang suspek, kaninang hatinggabi, Enero 7.
Tanging sinabi ng suspek sa pulisya na tiwala siya sa mga pulis na malilinis ang kanyang pangalan sa akusasyon na siya ang pumatay ang kanyang live-in partner at isinilid sa storage box at itinapon sa ilog sa Basud, Camarines Norte.
Sinabi naman ni Basud PCAPT. Mark Armea, kusang sumuko ang suspek.
Una nang kinumpirma ng ama ng suspek na inamin sa kanya ng anak na napatay niya ang biktima pero “aksidente” lamang.
Ayon sa ama, hindi raw sinadyang naitulak ang babae habang sila ay nag-aaway, kung saan lasing na lasing umano ang suspek.
Inamin din ng ama na live-in partner ng anak nya ang biktima at posibleng selos ang dahilan ng insidente.
Una nang kinilala ng pulisya ang biktima na si Anelis Agocoy, 38, mula sa Barangay Buga, Catarman, Camiguin.










