Patay ang isang lalaking suspek sa pagnanakaw ng motor matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Antipolo, Rizal.
Ayon sa ulat, nahuli ang suspek matapos subukang ibenta ang ninakaw na motorsiklo sa halagang P5,000.
Nakilala ng buyer ang motor matapos itong makita sa social media post ng asawa ng may-ari.
Agad na ini-report ito sa pulisya kaya’t nagsagawa ng operasyon.
Nang datnan sa lugar, tumakas ang suspek at pinaputukan ang mga pulis.
-- ADVERTISEMENT --
Gumanti ng putok ang awtoridad at tinamaan ang lalaki, na idineklarang dead on arrival nang dalhin sa ospital.
Narekober ang motor ngunit kulang na sa piyesa at walang plaka.
Nalaman ding may warrant of arrest ang suspek at dati nang nakulong dahil sa pagnanakaw.