Naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa pagnanakaw sa kahabaan ng Gomez Street, Barangay Centro 10, Tuguegarao City noong umaga ng Pebrero 23, 2026.

Ang mga biktima ay 44 anyos na negosyante at 44 anyos rin na isang pribadong abogado, kapwa residente ng Tuguegarao City.

Kinilala naman ang suspek na si aka Vino, 30-anyos, tricycle driver at residente rin ng Tuguegarao City.

Matatandaan na nagreklamo ang mga biktima matapos silang pagnakawan, kung saan ay isinangguni ang reklamo sa Office of the Prosecutor ng Tuguegarao City na may inirekomendang piyasan na P10,000.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility ng Tuguegarao Component City Police Station (Main Office) habang hinihintay ang karagdagang kautusan ng hukuman.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang kapulisan sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.