TUGUEGARAO CITY- Inihain na ng PNP sa Provincial Prosecutor Office ang kaso laban sa isang magsasaka na pumatay at gumahasa sa 14 anyos sa Amulung, Cagayan kamakailan.

Kinilala ni PCapt.Albert Florentino, hepe ng PNP Amulung na si Gilbert Batuela, 41, ng Pacac-Pequeño, isang magsasaka at may asawa.

Sinabi ni Florentino, sumuko ang suspek sa kapitan ng nasabing barangay na ipinasakamay naman sa PNP.

Ayon kay Florentino, inamin umano ng suspek na ginahasa at pinatay niya ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Florentino na batay sa pahayag ng suspek, nang makita ang dalagita ay niyaya niya ito na pumunta sila sa maisan , halos isang kilometro ang layo mula sa kanyang bahay.

Dito na umano niya ginahasa ang dalagita.

Ayon sa suspek, sinakal umano niya ang dalagita nang sabihin nito na siya ay magsusumbong.

Sinabi pa ng suspek na nasa impluwensiya siya ng nakalalasing na inumin ng ginawa niya ang krimen.

Una rito, nagpaalam umano ang suspek sa kanyang kapatid na aalis muna sa kanilang lugar.

Dito na umano nagduda ang kapatid ng suspek kaya siya nagsumbong sa mga otoridad.

Inatasan naman ng kapitan ang kapatid na hanapin siya at natunton nila ito sa bayan ng Sto.Niño.

Inamin umano ng suspek na siya ang gumawa sa krimen kaya agad silang nagtungo sa kanilang kapitan.

ang tinig ni Florentino

Kasong pagpatay at panggagahasa ang isinampang kaso laban sa suspek.

Matatandaan na nakita ang biktima na nakabitin sa isang puno, nakatali ang mga paa at kamay at walang saplot pang-ibaba.

Kinumpirma naman ng sumuring duktor sa dalagita na siya ay positibong ginahasa.

Nabatid na ililibing ang biktima sa araw ng Martes sa susunod na linggo.