Suspindido bukas ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas sa bayan ng Enrile upang bigyang daan ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad ng paaralan matapos maranasan ang Intensity V kasabay ng Magnitude 5.1 na lindol kagabi.
Ito ay batay sa inilabas na paabiso ni Mayor Miguel Decena Jr. upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral sa Enrile.
Bukod sa mga paaralan ay ipina-utos na rin ng alkalde ang pag-inspeksyon sa iba pang mga lumang gusali at kabahayan para masuri kung may mga pinsalang iniwan ang lundol at para masigurong ligtas ang mga ito na gamitin.
Maalalang bandang 07:36 PM kanina ng maramdaman ang magnitude 5.1 na pagyanig at naitala ang epicenter nito sa Maconacon Isabela.
Naramdaman ang Intensity V – Enrile, Intensity IV sa Tuguegarao City, Intensity III – Gonzaga, sa probinsya ng Cagayan, Intensity II – Ilagan, ISABELA; Tabuk, KALINGA at Madella, QUIRINO habang Intensity I – Casiguran, at Baler, AURORA; Laoag City, Pasuquin, maging sa Batac, ILOCOS NORTE; Santiago City, ISABELA.