Kasalukuyan nang isinasapinal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang gagawing rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nakikipag-ugnayan na sila sa liderato ng Western Command para sa nasabing misyon.

Kaugnay nito, nilinaw ni Trinidad na hindi pa aprubado ang rekomendasyon ng Joint Task Force for West Philippine Sea na isasama sa Multilateral Maritime Cooperatibe Activity sa susunod na RORE mission sa BRP Sierra Madre.

Magugunita na nuong April 7, 2024 nagsagawa ng kauna-unahang Multilateral Maritime Cooperative Activity ang AFP, United States Indo Pacific Command, Australian Defense Force at Japan Self-Defense Forces sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Trinidad na lahat ng mga posibleng contingencies ay kanilang kinukunsidera upang maging maayos at mapayapa ang susunod na RORE mission.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa ang opisyal na hindi na mangyayari ang insidente noong June 17, 2024 na nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa pagitan ng mga sundalo ng bansa at Chinese Coast Guard sa susunod na RORE mission.