Boboto ang mga mamamayan ng Switzerland sa Setyembre 27 kung paiigtingin ang kanilang polisiya sa neutrality na maaaring magbawal sa bansa na magpatupad ng economic sanctions at makipagtulungan sa NATO.

Nais ng mga nagsusulong ng panukala na ilagay sa Konstitusyon ang pagbabawal sa pagsali o pakikipagtulungan sa military alliances, maliban kung mismong Switzerland ang inatake. Nais din nilang hindi makasali ang bansa sa sanctions maliban kung aprubado ng United Nations.

Tutol naman ang Swiss government at karamihan ng political parties dahil maaari umano nitong pahinain ang national security at limitahan ang pakikipagtulungan ng Switzerland sa mga bansang Europeo.

Batay sa isang survey, 62% ng mga botante ang tutol sa panukala habang 36% ang pabor.

-- ADVERTISEMENT --